Ang DIETQUOTE ay nabuo isang gabi sa Figaro, Greenbelt. Limang walang magawang nilalang ang nag-isip (for the first time) na bigyan ng direksyon ang buhay nila. At napagtripan nilang gawing inspirasyon ang “librong” ginawa nila noong college na may pamagat na “SILENCE: Sayings, Signs, and Segways” sa kanilang susunod na adhikain. Kaya naman nabuo ang DIETQUOTE. Ito ang online version ng SILENCE.
Ang DIETQUOTE ay maghahatid sa inyo ng mga “makabuluhang” quotations na ninakaw mula sa mga taong walang pakialam na sumambit nito, kesyo biglaan man o pinagisipan. (Subjective ang makabuluhan.) Pwede ring quotes ito na natanggap ng mga contributors mula sa text o email. Bibigyan ng mga contributors ng sariling definition, depth, at meaning ang mga quotes. Yan ay ayon sa kanilang pagkakaintindi. (Kaya pasensya na kung magiging baluktot minsan ang elaboration nila.)
Kayo ang aming mga KaQuotes! Maaari kayong mag-ere ng inyong mga violent reactions (o umaming kayo ang nagsabi ng quotes) sa comment section ng bawat entry. Pwede rin kayong mag-submit ng worthy quotes ninyo. Kailangan ka-level o mahigitan pa ng inyong mga quotes ang quotes na naririto. O hala, simulan na ang pagbabasa mga KaQuotes!
Oo nga pala, pahabol lang… Hindi kami titigilan ni Mr. Ryan Milan kung hindi namin mababanggit na siya ang nakaisip ng DIETQUOTE na pangalan ng blog na ito. (Spin-off yan ng mga suggestions na: quoteofarms, randomquotes, buhayquote, etc…) Kaya naman, maraming salamat sa malikhain mong suggestion. Mabuti na lang dumating ang ganitong thinking moment sa iyong buhay.