Nakikinig lang ako kanina sa Todo-Todo Walang Preno program ni Winnie Cordero at Ariel Ureta. Iniinterview nila si Reggie Pablo, isa sa mga Pinoy mountaineers na umakyat sa Mt. Everest last May.
Sabi ni Reggie sa last message niya: Lahat tayo may Everest at yun ang challenge ng bawat isa.
Yeah, I agree, At sana hindi lang pag-akyat ng bundok ang kayang harapin kundi yung bundok ng pagsubok ng buhay: yung pride, yung tunay na nararamdaman, yung takot, yung sundin yung talagang gusto mong gawin sa buhay na ayaw mong gawin na isang malaking hakbang lang naman e maaabot na. Takot ka lang.
Sana yung multo ng nakaraan bitawan na rin kasi ibang bundok na ang kinakaharap mo at hindi na yung dati. Kung hindi ka bibitaw, baka hindi mo na maakyat yung ibang bundok. Di mo naisip na kahit nandyan lang yung bundok na yan, nagsasara rin. Sabihin nating may clean-up sa bundok o kaya binawal pansamantala. Pansamantala man yung pagbabawal sa pag-akyat sa bundok na yan pero kung ayaw kang patuluyin ng diwata ng bundok may magagawa ka pa ba?
bakit ang lakas ng feeling ko na hindi lang ‘buhay’ ang pinaguusapan dito?
Ahaha…tungkol ito sa maraming bagay…gaya ng desisyon at taking risks. You get what you give.
You get what you give.
I like that! Hahaha!
May natamaan ba kong spot? Any memory whatsoever? Hahaha…