Isang gabi, galing ako sa megamall at nakasakay na sa bus na byaheng Fairview. Nakaupo ako sa may likod ng driver.
Driver: O yung Cubao dyan bumaba na o.
Babaan naman ang ibang pasehero.
Maya-maya pa may dalawang lalakking sumalubong sa nagbabaan at sumakay.
Driver: Sandali lang wag n’yong salubungin yung bababa. Magkapalit kayo ng mukha dyan. Mahirap pa naman maghanap ng mukha.
Nga naman. Mahirap.
* * *
Sa aming opisina sa Quezon City.
Male Officemate 1: Magkikita kayo ng boyfriend mo? ( Sabi nya kay girl officemate) Dapat mag-pafacial ka. Ano nga bang tawag dun sa malupit na facial pare? (Tanong niya sa katrabahong lalaki.)
Mabilis na sumagot si Male Officemate 2 ng… “Plastic surgery!”
OA talaga ang mga ideya nitong si Male Officemate 2. Lilinawin ko lang, di kailangan ng plastic surgery ni girl officemate.