Minsan gusto ko na lang tumambling kapag nakakakita ng mga paskil na parang wala sa ayos ang nagsulat, tulad nito:
SALE ON ALL ITEMS…EXCEPT SELECTED ITEMS
(Ano ba talaga?!)
-Nakapaskil sa isang stall sa tiangge section ng isang mall sa Taguig
PURO KAYO KATAS, ITO NAMA’Y CASH
-Nakasulat sa estribo ng isang pampasaherong jeepney. Hula ko pinapatamaan nito yung mga jeep na ang nakasulat ay “Katas ng Saudi,” “Katas ng Dubai,” “Katas ng Kuwait,” at kung ano-ano pang katas. May point naman siya ‘di ba?