Sa isang presscon sa isang magandang hotel sa pagitan ng Maynila at
Pasay….
Ang haba ng pasakalye ng isang may edad nang babae na nagtatanong. Okay na siguro ang premise ng tanong nya na hindi ko na maintindihan sa haba nang biglang idugtong nya sa dulo ang tunay na tanong na:
“Gusto ko pong malaman kung ano ang inyong plathorms.”
Naman. Ang haba na ng tanong nya e mali pa yung term nya. Saka ang lupit ng tanong ha. Kung magtatanong kasi sa presscon at hindi rin naman maganda ang tanong, lapitan mo na lang ang source at kausapin siya mismo. Eto pa…muntik pa yata niyang sabihing flatworms. Gulay, anong kinalaman ng bulate sa presscon?