Sa opisina, hiningi ko ang filename ng document na bubuksan mula sa USB ng katrabaho kong lalaki.
Ako: Ano na? Yung filename na hinihingi ko?
Ka-lalaki (as in katrabahong lalaki): Eto o. (sabay turo niya sa piraso ng post it na sinulatan nya.)
Ako: E ayan naman pala e. Kanina ko pa hinihingi di mo man lang inabot agad.
Ka-lalaki (pwede ring kaasar na lalaki): E hindi mo hiningi ulit e.
Ako: Ano ka gobyerno? Kailangan ng follow up!
Di ko akalaing nakikinig pala ang katrabaho naming girl na malapit lang sa amin.
“Ay gusto ko yang linya mo. Very true.”